Sa paanong paraan nagtatapos ang isang kuwento? Mangyari pa'y, paano ito dapat magsimula? Mabuti sana kung maliwanag ang nais ng puso. Kadalasan, umiindap-indap ang apoy; nagdadalawang-isip, nananaghoy. Aanhin pa ang pananalita kung hindi naman sapat ang mga salita? Maihahalintulad lamang sa isang liham kung gayon, may lamig at walang sariling musika. Hayaan mo't isasalaysay ko ito ng malinaw.
Minsa'y umibig ang isang tao sa isang tala...
Nakapaninindig ng balahibo ang pananabik sa bawat pagpatak ng nota. Ang malagong na boses ng drums na ani mo'y tibok ng pusong isang daang beses pinalakas. Ang tinig naman ng gitara'y hindi maipagkakailang tunay na nakagigiliw. Hindi dahil sa angat sa tenga ang kanyang musika, kung hindi dahil sa paghahabi nito ng dagdag na kulay sa kumakantang bokalista. Hindi nalalayo sa gitara ang malalim na baho, siyang taga-dikta ng harmonya. At para siyang isang bugtong sa loob ng kanta.
Sino nga ba naman ang makalilimot sa melodya ng piano? Hindi na kailangan pang siya'y ipaliwanag pa. Malinaw naman ang kanyang batid. At ngayong gabi, sa ilalim ng nagbabagang buwan, pinagsama-sama ang kanilang mga tinig. Kailanma'y hindi mumunti ang kanilang mga tinig.
Noon siguro'y magugulat pa ako, pero ngayon, nauunawaan ko na kung bakit may kulay ang bawat kanta. Anyel ang aking nakikita sa kantang ito ng mga pinagsama-samang tinig. Kitang-kita ang pag-aalab nito sa mga nagmamahal sa musika ng bandang ito.
Anyel ang simbolo ng kayamanan sa mga kanluraning kaharian, na sa ating mga ninuno'y maharlika( liban siyempre sa ginto). Siya rin ang huling kulay ng bahaghari. Siya ang damdaming ikinukubli ng pusong umaasa't nasasawi. Siya rin ang ligaya para sa maligayang minamahal, hindi man siya ang dahilan( hindi rin para sa kanya). Hindi nakapagtatakang anyel ang kulay para sa kantang ito. Siyempre, maaaninag mo pa rin ang bughaw ng mga do o C at ang mga pulahang ti o B. Ngunit sa paglalahok, sa paglabo ng pagkakakanya-kanya at paglinaw ng diwa, pumapangibabaw ang kulay na siyang pagatatalik ng iba pang mga kulay, ang anyel. Naaalala kong ipinaliliwanag mo sa akin, sa isang analitikong paraan, na ang mga simbolismong napapaloob sa kantang ito ang siyang nagbibigay tingkad sa kulay. Hindi nalalayo ang iyong paliwanag sa nabanggit kong ideya, o sa talagang damdamin ng awit. Hindi mo nga lang talaga nakikita ang kulay. Pero, napangiti mo ako noon. At hindi iyon dahil sa mabusisi mong eksplanasyon. Narinig ko lamang ang boses mo. Iba sa karaniwan ang boses mo. Luntiang nagpapahiwating ng giliw. Minsan ko nang nakita ito, kung hindi ma'y aking naaninag, noong lumabas ako ng bahay at napadaan sa isang bakanteng lote. Sa dilim ng gabi'y nakakita ako ng mga alitaptap at para bang isang telenovela sa telebisyong tumugtog bigla sa aking isipan ang isang malamlam na awit mula sa biyulin.
Dumating na sa koro ang kanta. Bahagya itong bumilis sabay sa pagtaas ng tono. Sinasabayan ng mga tao ang kanta, parang isang lahing lumalaban ang dating. Napatingala ako. Nasasaktan na ang mta ko sa init ng anyel. Pumikit ako't napaluha bahagya. May iba pa palang dahilan. Ramdam na ramdam ko ang pulso ng bawat tao sa paligid. Inaabangan ang bawat titik ng kanta, pumapadyak paminsan at pumapalakpak kadalasan. Minsan ko na ring naitanong sa iyo kung tunay nga bang naiintindihan ng mga tao ang kanilang kinakanta, kung hindi lang ba sila tila mga lorong gumagaya. Ngumiti ka noon, puno ng pang-unawa.
"Hindi man nila maipaliwanag, hindi man nila alam, pero naiintindihan nila ito," sabi mo, "Pagdating sa saliw ng musika, puso lang ang pakikinggan."
"Pero-" at inilapat mo ang iyong daliri sa aking labi. Matagal ko nang natutunang maging masunurin pero sa iyo ko lang natutunang manahimik. Inabot mo ang aking mga kamay at inilagay mo sa iyong baywang. Ipnatong mo naman sa aking mga balikat ang iyong mga kamay. Sa ilalim ng nakaririnding katahimikan, isinayaw mo ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko. At umiigsi ang aking paghinga. Hindi ko alam kung paano ako tumagal sa titig mo.
"Naririnig mo ba ang tugtugin ng puso mo?" Halos hindi ko na marinig ito. Sa aking isipan, isang orkestra na ang tumutugtog. Nabubulag na ako sa liwanag ng musika. Halos hindi na kita maaninag. Nakakita ako ng lunti sa liwanang at nalaman kong nagsalita ka.
"Naririnig ko ang musika nating dalawa," nanghula ako. Hindi man ito ang sagot sa tanong mo, ngunit ngumiti ka't inilapat ang pisngi sa dibdib ko. Kung nakita mo lang sana ang mga kulay na nakikita ko.
Ikalawang berso na ng kanta. Hindi tulad ng karamihan na mas gusto ang una, ako'y mas napa-ibig sa pangalawa. Marahil, dahil mas malamig ang mga kulay na aking nakikita. Dahil din siguro nahahaluan ng lunti ang anyel. Mas maganda naman talaga ang mensahe ng parteng ito. Nagpapakita ng tunay ng ligaya sa gitna ng lungkot, o sa kalungkutang paparating pa lamang. Napahinga na lang ako ng malalim. Dalawang minuto na lang ay matatapos na ang kanta.
Wala ka pa rin.
...ang tao'y nalungkot. Wala na sa langit ang kanyang bituin. Hindi na niya alam ang kanyang gagawin, hindi na niya kayang mabuhay pa. Marami ang hindi makapaniwala sa kanya. Paano mo nga ba naman mamahalin ang isang nilalang na alam mong hindi mo maabot?
Huling ulit na ng koro. Maganda rin ang isusunod nilang kanta. Pero hindi ko na kayang makinig pa. Hindi man ako nagsisigaw gaya ng iba ay namamalat ako. Biglang nagsilabasan ang mga sakit ng aking katawan: ang pangingimi ng mga paa, ang pagkalam ng sikmura, ang pagsakit ng ulo, ag pangangati ng lalamunan. Ang pagkirot ng puso.
...kaya umiyak ang langit magdamag. Hindi man kita sa araw pero mga tala ang lumuluha. Pagsapit ng gabi'y naghasik ng liwanag sa lupa ang langit. Ngunit walang makapagpangiti sa tao. Bumaba sa lupa ang ibang tala at nag-anyong kulisap. Kinausap siya't sinabing huwag mabahala. Ngunit walang makapagpangiti sa tao...
Pumapalakpak na ang mga tao. Humihingi ng encore kahit alam nilang kakanta pa naman sila. Pero hindi pa tapos ang kanta. Dinig ko ito kahit nasa may gate na ako. Mahaba ang instrumentals nito. Inaral ko pero hindi naman talaga ako tumutugtog. Nagsosolo na ang piano. At sinagot siya bigla ng gitara. Bumubulong na ang baho. At hinubog na sila ng drums. Matatapos na. At sa aking paglabas, ako'y natigilan.
...walang makapagpangiti sa tao. Nagtungo siya sa dulo ng mundo. Walag nakapigil sa kanya. Tumalon siya't nagpakalaglag sa dulo ng walang hanggan. At sa pagtama niya sa tubig, bumaliktad ang mundo. Imbis na bumagsak, siya'y tumalsik pataas! At sa pagdating niya sa langit, hinanap niya ang kanyang tala. Hindi niya ito makita. Naawa ang ibang tala kaya't sinabi sa kanya ang nangyari...
Naroon ka. Hindi ko alam kung bakit pero lalong lumiwanag ang buwan.
"Kamusta ang bagong bokalista ng banda?" tanong mo sa akin.
"Walang pinagkaiba. Kahit sino pa ang ipalit nila," bigla kong naibulalas. Hindi pa rin ako makapaniwala at hindi ko na mapigilan pa ang sarili ko. "Ikaw pa rin naman ang naririnig ko."
"Hindi ka pa rin nagbabago."
"Dumating ka-"
Ngunit hindi tulad ng mga nakaraang pagkakataon, imbis na daliri ang ilapat mo sa aking mga labi ay mga labi mo rin ang aking nadama. At sa tinuro mong katahimikan, nalaman ko kung bakit hindi ko marinig ang tugtugin ng puso ko. Dahil hindi ako nakikinig. Dahil hindi ko nakikita na musika pala ng puso mo ang aking nadadama.
Minsang umibig ang isang tao sa isang tala. Ngunit naglaho isang gabi ang tala. Hinangad ng taong maging isang tala para hanapin siya. At nang naging tala na ang tao, bumaba naman pala sa lupa ang tala. Matagal na panahon bago siya nakababa sa lupa. Hindi niya malaman kung bakit ginusto ng talang maging tao. Sa huli'y nagtagpo sila, ang tao at ang dating tala. Maraming tanong ang tao ngunit ng ngumiti ang dating tala'y parang nasagot na ang kanyang mga tanong.
...walang makapagpangiti sa tao, maliban sa talang ito.







--
We will need a crossbow, an hour glass, three goats, one of us will need to learn to play the trumpet and other will go like this *wriggles fingers while holding up hand*
OK i know u hate this stuff when people send you crap like this but trust me i mean trust me i will never lie too any of u....this its sooo crazy and it works but u have too believe in it.. soo good luck lates
Thursday October 6, 2005
here just do it
most people aren't sure of what they really want in life. I received this letter from a friend on the computer, did what it told me to, and within a week, everything I had wished came true!! Here's an exact copy,
this
really
works!!!!
****************************************
*********************
1. To yourself, say the name of the only guy or girl you wanna be with 3 times!
****************************************
*********************
2. Think of something you wanna accomplish within the next week and say it to your self 6 times!!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
~
3. If you had 1 wish what would it be? say it to yourself 9 times!!!
----------------------------------------
-------------------------------
& lt; BR>
4. Think of something that you want to happen between you and that 1special person and say it to your self 12 times!!!
----------------------------------------
----------------------------
5. Now, heres the hard part! Pick only 1 of these wishes and as you scroll down focus and concentrate on it and think on nothing else but that wish.
* *
* *
* *
* *
* *
* *
* *
* *
* *
* *
*
*
* *
* *
* *
* *
* *
* *
* *
* *
* *
* *
* *
* *
* *
* *
* *
* *
* *
* *
* *
* *
* *
* *
* *
* *
* *
Now make one last & final wish about that one wish that you picked.
After reading this, you have 1 hour to send it out to 15 people, and what you wished for will come true within in one week!
u only get one chance!!!!! Now scroll down and think of your
crush!!!
Keep going
down
Keep going
Keep
going
!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!
!!!!!!!!!!!!!
Did you think of your crush? I hope so, that was your last chance. Now pay very close attention this important message!
Sorry but once read, must be sent. Yes, this is one of those kinda chain letters that everyone hates. This one has been going since 1864 and if you break this chain, you will pay!!!!!! Remember that after hearing these stories.
First Example:
Take Barbra Wallace.. She was a pretty lucky girl, up till she got this same chain letter. She had a crush on the same kid since kindergarden. when she got this mail she didn't pa y any attention to it. She just thought, no big deal. And deleted it. The next day her dad got fired and her mom lost her job. If she would have sent the letter none of that would have happened .Second Example:
Try Freddie D. Now Freddie D. was your average nerd. Had glasses, was short and chubby, was in gifted. All the signs of
your total dork. He also received this letter and sent it to 51
people in the hour. Now, like Barbra, he had a crush on a girl since 3rd grade. The next day after sending the chain the girl confessed her love for him ever since 3rd grade. Freddie D. finally had the courage to ask her out, and of course, she had been waiting to yes to that for years. They grew up and
married each other to live happily forever.
Third Example:
Now if you couldn't relate to the others, this'll get ya hooked. Listen to this. A kid named Jordan Johnson was just getting on AOL to check his mail. He was a quiet k id, not that popular but not a geek either. he was just normal. He saw he had mail from his friend. It was this exact letter. Now Jordan Johnsen was a smart kid and he knew what could happen if he didnt pass it on. He simply pulled a few friends from his buddy list and sent it along. The next day, about that same time, he got a phone call. It said he had won the lottery!
then his dad came home and bought him a new bike! His mom bought him Nintendo64 and play station! His grandmother sent him a new computer, and his best friend
gave him tickets to the concert he wanted to go to, Kid Rock and Limp Bizkit! Then he inherited a brand-new tv from his aunt! He was goin' wild! the next day his secret crush asked him out, and they have been going out ever since.
Now, you heard the stories. I know which person i'd rather
be, but thats up to you. I wouldn't wanna end up like Barbra but thats only me. We all want what we cant have but now's ur chance to go out withtha t special somebody ur waiting for. Take it or leave it. If you send this to-
1 person- you will lose all luck in ur love life..... forever!!!!!
10 people- your crush will say they like you as a friend...... ONLY!!!!!
15 people- your crush will say they like you and hug you!
20 people- your crush will ask you out!
25 people- your crush will kiss you!!
35 people or more- All of the above!!
Don't blow it, it's ur chance to shine! Have everything u wanted, and more! Now, complaining cus u dont have any
friends. Well theres an answer 4 everything. It's simple, just go in a chat room, pick some names and send away! but here's the catch..... you only have 1 ho
--
We will need a crossbow, an hour glass, three goats, one of us will need to learn to play the trumpet and other will go like this *wriggles fingers while holding up hand*
Remember to read the rules before submitting! (:
--
Some people need a high five.
In the face.
With a chair.
Nice to meet you :]
--
Tell all your friends. :]
--
...lived a fool and died a sage.
--
......I'll shut up now....
Oxygen makes me violent
Warning: This person is unstable around angels.
--
...lived a fool and died a sage.
--
"There's no such thing as perfect."
--
...lived a fool and died a sage.